Ipinagtanggol ni Sen. Leila de Lima ang kontrobersyal na sexy performer na si Mocha Uson sa mga kumukuwestiyon sa kanyang karakter at moralidad mula nang italaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Ayon kay De Lima, dapat irespeto ng mamamayan kung naging madilim ang nakaraan ni Mocha dahil sa ito ang naging kabuhayan niya.
“First of all, I congratulate Ms. Uson on her new appointment. I was also once a simple private citizen, who was suddenly given the chance to devote myself – my time, my education, my professional skills, my passion – to the service of our countrymen. So, in a way, I know how excited, honored and, perhaps, apprehensive Ms. Uson is to prove herself worthy of the trust given to her. Therefore, I sincerely wish her all the luck,” ani De Lima.
Nagbigay naman ng paalala si De Lima na ngayong isa nang public servant si Uson ay maghinay-hinay sana siya sa mga pananalita nito dahil sa iba na ang mundo niya ngayon kumpara noong blogger pa lamang siya.
Hinikayat din ng senadora si Uson na huwag maging bulag na sunud-sunuran sa Pangulo at maging kasangkapan sa mga kritiko ng administrasyon.
WATCH THE VIDEO BELOW
Visit and follow our website: SOCIAL NEWS PH
© SOCIAL NEWS PH
Loading...