Sunday, June 11, 2017

WATCH: Lalaki Pinatay Dahil Sa Utang Na P100 Na Hindi Nabayaran!

ADS1


Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin dahil hindi raw makabayad sa P100 utang.

Ayon sa salarin na si Ariel Zaragosa, nanghiram sa kaniya kahapon ng P100 ang biktimang si Rolando Tutaan Jr., 18-anyos.

Kinagabihan, siningil niya na si Tutaan sa utang.

Pero sa halip na magbayad, nagalit pa raw ang biktima

Doon na raw nagdilim ang paningin ni Zaragosa kaya nasaksak niya si Tutaan.

Hindi naman matanggap ng ama ng biktima ang sinapit ng panganay na anak. Hindi rin siya naniniwala na utang lang ang pinag-ugatan ng pagpatay dahil hindi raw iyon ang unang beses na nag-away ang dalawa.

Nakakulong na sa Mandaluyong City Jail ang suspek na nahaharap sa kasong murder.


Visit and follow our website: SOCIAL NEWS PH

© SOCIAL NEWS PH

ADS2

Loading...

0 comments