Saturday, June 10, 2017

WATCH: Lalaking Binugbog Umano Ng Mga Sundalo Sa Marawi, Nasagip!

ADS1
WATCH: Lalaking Binugbog Umano Ng Mga Sundalo Sa Marawi, Nasagip!


Ginagamot ngayon sa Iligan City ang isang lalaking hinihinalang tinorture umano ng mga sundalo sa Marawi City.

Ayon sa pamilya, posibleng napagkalamang miyembro ng teroristang Maute group ang lalaki dahil hindi nito maipaliwanag nang maayos kung bakit ito nagpalaboy-laboy sa daan kung saan nagbabakbakan ang mga terorista at militar.

Puno ng pasa at sugat ang likod ni alyas 'Khalid.' May mga sugat din ang kanyang mga braso at daliri sa mga paa.

Naglalakad daw si 'Khalid' sa kalye at hindi pansin ang mga putukan hanggang sa napadpad ito sa kinaroroonan ng mga sundalo, ayon sa kuwento nito sa kanyang mga kamag-anak.

"Kinuha daw siya ng tatlong sundalo. Tatlong araw siyang palipat=-lipat. Naka-blind fold daw siya. Ang ginawa daw sa kanya, mayroon daw puting papel, and then, inano 'yung kamay, then binuhusan daw siya ng mainit na tubig. 'Yung dito niya, may pasa. Napagkamalan daw siyang Maute," ayon sa pinsan ng lalaki.

Tatlong taon na umanong wala sa sarili si 'Khalid', pero nang tanungin ukol sa nangyari sa kanya, may mga naikuwento ang lalaki.

"Palagi silang nagtatanong. Pangalan ko raw at tribo ko," ani 'Khalid'.

Kuwento ng pamilya, naiwan si 'Khalid' sa kanilang bahay sa Marawi sa kasagsagan ng paglikas ng mga residente.

Ayon sa kanyang pinsan, tinangka nilang balikan si 'Khalid' para mailabas dahil may depresyon, pero hindi na sila pinapasok lalo't matindi ang opensiba laban sa grupong Maute.

Nakakuha ng retrato ang isang civic organization na ginagamot ng militar ang mga sugat sa likod ni Khalid. Naibalik na rin si 'Khalid' sa kanyang pamilya sa tulong ng kanilang mga kaibigan.

Hinala naman ng rescue team ay maaaring biktima ito ng torture.

"Bugbog-sarado ang binata. Gusto pang patayin, kaso ininterview na lang ng pulis na pumunta," ayon kay Samira Gutoc-Tomawis ng Ranao Rescue Team.

May isa pa umanong biktima ng torture na naiulat sa kanilang tanggapan. Inaalam din nila ang nangyari sa lalaking sinita umano ng mga sundalo na natagpuang bangkay na.

Wala pang natatanggap na ulat nag Philippine National Police sa umano'y paglabag sa karapatang pantao sa Marawi. Paiimbestigahan naman ng Armed Forces of the Philippines ang kaso ni Khalid.
Ipinapayo naman ng militar na maghain ng reklamo ang pamilya ng biktima para matutukan ang kaso.


Visit and follow our website: SOCIAL NEWS PH

© SOCIAL NEWS PH

ADS2

Loading...

0 comments