Karaniwan sa bansa ang pangungupahan o ang pagrerenta, at pagpaparenta ng bahay, gusali, at iba pang establisyimento. Ngunit paano kung mahulihan ng kontrabado o nagsagawa ng ilegal na operasyon gaya ng drug den sa isang pinauupahang bahay?
Sa programang ‘Usapang de Campanilla’ ng DZMM, sinabi ni Atty. Claire Castro na walang pananagutan ang nagpapa-upa kung mapatutunayang hindi sila ang gumagamit ng gusali at ng mga nahuling kontrabando.
Hindi basta-bastang makapapasok ang nagpapaupa sa gusaling pinauupahan dahil kailangang pangalagaan ang privacy ng umuupa. Ito ay nakasaad sa contract of lease o kontrata sa pagitan ng umuupa at uupa, paliwanag ni Atty. Castro.
Kailangan namang makipagtulungan ng nagpapa-upa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyong kailangan ng awtoridad gaya ng pagkakakilanlan ng umuupa.
Kapag hindi ibinigay ng nagpapa-upa ang mga impormasyon, saka lamang ito maaaring kasuhan ng obstruction of justice.
Ibang usapan naman kapag natuklasang kasabwat ng may-ari ng gusali ang mga umuupang nagtatago ng kontrabando o nagsasagawa ng ilegal na operasyon. Kung gayon, siguradong makakasuhan na ang nagpapa-upa.
Para naman sa mga caretaker ng gusaling pinagtaguan ng kontrabando, wala rin silang pananagutan at mahaharap lamang sa kaso kapag napatunayang kasabwat ito.
Visit and follow our website: SOCIAL NEWS PH
© SOCIAL NEWS PH
Loading...
0 comments
Post a Comment